top of page
bg tab.png

Proteksyon sa Ekonomiya at Magsasaka: Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024


Upang mas mapangalagaan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at matiyak ang katatagan ng presyo ng mga bilihin, pormal nang ipinatutupad ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024.


Ang bagong batas na ito ay naglalayong tuldukan ang mga ilegal na aktibidad na sumisira sa daloy ng ekonomiya sa sektor ng agrikultura. Sa ilalim ng batas na ito, itinuturing na Economic Sabotage ang mga sumusunod na gawain kapag umabot sa halagang 10 milyong piso:

  • Agricultural Smuggling: Ilegal na pagpasok ng mga produktong agrikultural sa bansa.

  • Hoarding: Sinadyang pagtatago ng suplay upang mapataas ang presyo sa merkado.

  • Profiteering at Cartel: Sabwatan upang kontrolin ang presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin.


Mabigat na parusa ang naghihintay sa mga mapatutunayang lalabag, kabilang ang habambuhay na pagkabilanggo at multa na hanggang tatlong beses ng halaga ng produktong sangkot. Layunin nito na bigyan ng "ngipin" ang pamahalaan sa paghabol sa mga malalaking sindikato na nanamantala sa suplay ng pagkain.


Para sa mga Angateño, ang batas na ito ay isang mahalagang proteksyon upang mapanatiling makatarungan ang presyo ng mga bilihin sa ating pamilihan at masiguro na ang ating mga lokal na prodyuser ay hindi madadaya ng mga ilegal na kompetisyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page