‘Project Light Up,’ Inilunsad sa Brgy. Pulong Yantok
- Angat, Bulacan

- Feb 14
- 1 min read

Isang mas maliwanag at ligtas na komunidad ang hangad ng Pamahalaang Barangay ng Pulong Yantok matapos matagumpay na ilunsad ang “Project Light Up” sa ilalim ng temang “Unite for Good.”
Ang mahalagang inisyatibong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng matibay na koordinasyon ng Sangguniang Barangay sa Rotary Club of Angat, Rotary Club of San Jose Del Monte at Rotaract Club of Angat.
Pinangunahan nina Punong Barangay Renato “Abong” San Pedro at Kagawad Joey Germar, ang Chairman ng Committee on Public Works, ang paglalatag ng proyekto. Layunin ng “Project Light Up” na lagyan ng sapat na ilaw ang mga madidilim na bahagi ng kalsada sa barangay upang maiwasan ang aksidente at mapigilan ang anumang banta ng kriminalidad sa gabi.

Ayon kay Konsi Joey Germar, ang pagkakaroon ng maayos na pampublikong pasilidad, gaya ng mga ilaw-pangkalsada, ay isa sa mga prayoridad ng komite upang masigurong komportable ang paglalakad at pagbiyahe ng bawat kabarangay.
Nagpaabot ng malaking pasasalamat si Kapitan Renato San Pedro sa mga katuwang na Rotary at Rotaract Clubs. Aniya, ang pagkakaisa ng sektor ng pamahalaan at mga non-government organizations (NGOs) ang nagpapabilis sa pag-unlad ng Pulong Yantok.









Comments