Project Heart Tract ng Rotaract Club, Idinaos para sa mga Expectant Mothers

Matagumpay na isinagawa ang "Project Heart Tract: Connecting Care to Every Heartbeat" nitong Oktubre 25, 2026, sa Municipal Auditorium sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng Rotaract Club of Angat sa Angat Rural Health Unit (RHU) at Pamahalaang Bayan ng Angat.
Layunin ng proyektong ito na itaguyod ang maternal health at bigyang-kapangyarihan ang mga expectant mothers sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang kaalaman at gabay para sa isang ligtas at malusog na pagbubuntis hanggang sa panganganak.
Ayon sa pamunuan ng Angat RHU, ang mga ganitong inisyatibo katuwang ang mga samahang pangkabataan tulad ng Rotaract Club ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina at ng kanilang mga sanggol sa buong bayan ng Angat.










Comments