top of page
bg tab.png

Programang A.N.G.A.T., Inilunsad para sa Proteksyon at Karapatan ng Kabataan at Kababaihan sa Angat


Upang higit na mapalakas ang boses at seguridad ng sektor ng kabataan at kababaihan, pormal nang inilunsad ang programang A.N.G.A.T. (Aksyong Nagkakaisa, Gampani’y Alamin at Tugunan) sa Angat Municipal Gymnasium nitong nakaraang araw.


Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ng Angat PNP sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson Viola (OIC). Layunin ng programa na imulat ang mga kalahok sa kanilang mga karapatan, responsibilidad, at mga batas na nagpoprotekta sa kanila laban sa anumang uri ng pang-aabuso at diskriminasyon.



Nakiisa sa naturang aktibidad si Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, kasama ang mga punong barangay at opisyal ng barangay, bilang suporta sa paglikha ng isang ligtas at inklusibong komunidad. Nagsilbi namang mga panauhing tagapagsalita sina PMAJ Jaynalyn Udal at MSWDO Menchie Bollas, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa maagap na pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng kababaihan at kabataan.


Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang programang A.N.G.A.T. ay hindi lamang isang serye ng talakayan kundi isang plataporma para sa sama-samang pagkilos upang matiyak na ang bawat Angateño ay nabubuhay nang may dangal, proteksyon, at sapat na kamalayan sa kanilang tungkulin sa bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page