Pinangasiwaan ng ating MSWDO Menchie Bollas ang General Assembly ng ating mga Senior Citizen na ginanap sa Barangay Sulucan. Ipinaliwanag dito ang mga programa at benepisyong maaring tanggapin ng mga miyembro nito.
Naroon upang sumuporta sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, Bokal Jay De Guzman, ABC Richard Cruz at Sangguniang Barangay members at Elvie De Guzman (FSCAP Sulucan) at Elisa Vicente (FSCAP Chairman Angat Chapter).
Ang mga programa para sa mga senior citizen na pinasimulan ng lokal na pamahalaan ng Angat ay naglalaan ng mahahalagang benepisyo kabilang ang pakikipag-ugnayan sa lipunan, suporta sa kalusugan at kagalingan, tulong pinansyal at ibat-ibang aktibidad sa ating bayan. Ang mga programang ito ay nagpapahusay sa pangkalahatang kagalingan at kalidad ng buhay para sa mga senior citizen ng ating munisipalidad.
Comments