Proaktibong Aksyon: Relief Items, Agad na Ipinadala sa Brgy. Laog
- Angat, Bulacan

- Nov 9
- 1 min read

Bilang tugon sa banta ng Bagyong #UwanPH, agad na tumugon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) Angat sa atas ni Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista na magpadala ng relief items sa Barangay Laog noong Nobyembre 9, 2025.
Ang proaktibong hakbang na ito ay isinagawa upang masiguro na agarang makapaghahatid ng tulong ang Lokal na Pamahalaan kung sakaling tumaas ang lebel ng Ilog Angat.
Katuwang ang mga sumusunod na ahensya, maayos na naihatid ang mga relief packs sa Barangay Laog:
Bureau of Fire Protection (BFP)
Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO)
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)









Comments