Presensya ng Kapulisan sa mga Lansangan, Pinaigting; PNP Angat, Isinagawa ang ‘Beat Patrolling’
- Angat, Bulacan

- Mar 13
- 1 min read

Upang masiguro ang katahimikan at seguridad ng mga mamamayan sa kanilang araw-araw na gawain, muling pinalakas ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang Police Visibility at Beat Patrolling sa buong kabayanan ngayong ika-13 ng Marso, 2026.
Sa ilalim ng direktiba ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police, ang mga operatiba ng Angat MPS ay nag-ikot sa mga istratehikong lugar gaya ng palengke, mga terminal ng sasakyan, at mga pangunahing kalsada sa Brgy. San Roque at karatig-barangay. Layunin ng hakbang na ito na maipakita ang aktibong presensya ng kapulisan upang pigilan ang anumang balak na krimen o ilegal na aktibidad.









Comments