top of page
bg tab.png

Pre-Employment and Migrant Workers Caravan sa Angat Matagumpay na Isinagawa

Oct 21
1 min read

Matagumpay na isinagawa ang Pre-Employment and Migrant Workers One-Stop-Shop Caravan sa New Municipal Hall Auditorium, Barangay San Roque, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamumuno ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, Public Employment Service Office (PESO) Angat, Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Dinaluhan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), returned OFWs, at kanilang mga pamilya ang aktibidad na naglayong ihatid nang direkta ang mga pampublikong serbisyo sa komunidad.



Tampok sa programa ang talakayan ukol sa mga serbisyo sa welfare, tulong-pinansyal, edukasyon, scholarships, training and upskilling, at livelihood and reintegration programs na ipinaliwanag ni Gng. Mary Joy M. Garcia, Family Welfare Officer ng OWWA. 


Nagbahagi rin ng mahalagang oryentasyon ukol sa mga tulong pangkabuhayan at muling pagbabalik sa bansa si G. John Joseph Gaza, Labor and Employment Officer III ng DMW.


Bukod dito, nagkaloob din ng libreng legal na konsultasyon si Atty. Juan Miguel E. De Leon, Overseas Employment Adjudicator (OEA) ng DMW, para sa mga mamamayang may katanungan sa usaping legal hinggil sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.


Nagpaabot ng pagkilala at saludo ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa sakripisyo ng mga OFW at muling pinagtitibay ang komitment ng LGU na patuloy na maglalapit ng mga kapaki-pakinabang na programa para sa bawat pamilyang Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page