top of page
bg tab.png

Pormulasyon ng ELA-CapDev ng Lokal na Pamahalaan ng Angat, Matagumpay na Naisagawa

Updated: Sep 24, 2022



Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na Pormulasyon ng Executive-Legislative Agenda (ELA) at Capacity Development Agenda Harmonization ng Lokal na Pamahalaan ng Angat na ginanap sa Clark Marriott Hotel, Mabalacat, Pampanga.


Sa pagsisimula ng programa ay inilatag ng ating Pambayang Tagapamahala G. Noel C. Alquino ang sampung (10) Pangunahing Agenda ng ating Punong Bayan sa harap ng lahat ng Department/Office Head ng Pamahalaang Bayan kasama ang Sangguniang Bayan.


Sa isinagawang seminar-workshop, tulong-tulong at sama-sama ang bawat opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan upang masiguro na maisasakatuparan ang mga binuong mga programa ng ating Punong Bayan para sa lalong ikauunlad ng ating bayan.


Mahalagang talakayin ang Pormulasyon ng ELA-CapDev sapagkat dito maaaring tukuyin ang mga prayoridad na proyekto, programa at mga aktibidad na siyang magiging gabay upang patuloy na mapaglingkuran ng buong husay ang mga mamamayang Angateño hindi lamang sa loob ng tatlong taon ngunit maging sa hinaharap. Masagana nating tamasahin ang Asenso at Reporma na matagal ng adhikain ng ating Punong Bayan para sa Bayan ng Angat.


11 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page