PORMAL NA PAGTATALAGA SA TUNGKULIN NG BAGONG PAMUNUAN, PAGPAPATULOY NG ASENSOATREPORMA
- Angat, Bulacan
- Jul 1
- 1 min read

Sa harap ng sambayanang Angatenyo, pormal na nanumpa sa tungkulin ang bagong halal na mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Isa itong makabuluhang pagtitipon na nagpapatibay sa mandato ng mamamayan—na ang pamahalaan ay dapat magsilbi nang may pananagutan, malasakit, at direksyong malinaw para sa patuloy na pagbabago.
Ang pagtatalaga ay hindi lamang seremonyal kundi panata ng bagong liderato na ipagpapatuloy ang Asenso at Reporma tungo sa mas progresibo, makatao, at makatarungang Angat.
Para sa Diyos. Para sa Bayan. Para sa bawat Angatenyo!
Comments