top of page
bg tab.png

Police Visibility sa Gabi: Angat Police, Nagpatrulya sa mga Lansangan ng Sta. Lucia

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang pag-uwi mula sa trabaho at paaralan, muling naglunsad ng Mobile Patrol Operation ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sta. Lucia ngayong Miyerkules, ika-3 ng Hunyo, 2026.


Ang operasyon, na nagsimula bandang alas-6:30 ng gabi patuloy, ay pinangunahan ni PSSg Curampres (Patrol PNCO) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, sa ilalim ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Ang istratehikong pagpapatrulya sa oras ng dapit-hapon at gabi ay isinagawa upang masubaybayan ang mga madidilim at matataong lugar kung saan madalas magkaroon ng banta sa seguridad.




Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page