top of page
bg tab.png

Police Visibility sa Diosdado Macapagal High School, Isinagawa ng Angat MPS para sa Kaligtasan ng Mag-aaral


Upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa mga pampublikong paaralan, naglunsad ng Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Diosdado Macapagal High School na matatagpuan sa Barangay Sta. Cruz ngayong Hulyo 15, 2026, simula ika-3:43 ng hapon.


Isinagawa ang naturang pagpapatrolya at pagbabantay sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, kasama ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang aktibong presensya ng kepulisan sa paligid ng mga paaralan ay naglalayong maghatid ng panatag na kapaligiran para sa buong komunidad ng paaralan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page