Police Visibility, Pinahigpit sa M.A. Fernando Road
- Angat, Bulacan

- Dec 29, 2025
- 1 min read

Upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng publiko ngayong holiday season, pinahigpit ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang beat patrolling at police visibility sa tapat ng Sta. Monica Church, M.A. Fernando Rd., Poblacion ngayong araw, Disyembre 29, 2025.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venigas (Duty OD) sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. katuwang ang Traffic Management and Regulatory Unit (TMRU), nagbigay din ang kapulisan ng traffic assistance upang maayos na maidirekta ang daloy ng mga sasakyan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng Chief PNP 7-Focused Agenda sa ilalim ng kampanyang Anti-Criminality, na naglalayong mas mapalapit ang pulisya sa komunidad at mabilis na makaresponde sa anumang banta sa seguridad.









Comments