PNP Nagbabala: Ilegal na Paggawa ng Paputok, May Pataw na Parusa sa Ilalim ng RA 7183
- Angat, Bulacan

- Dec 1, 2025
- 1 min read

Binahagi ng PNP Angat ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko hinggil sa ilegal na paggawa at pagbebenta ng paputok, kasabay ng pagpasok ng buwan ng Kapaskuhan.
Alinsunod sa Republic Act No. 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices), tanging ang mga manufacturer na may lisensya mula sa PNP ang pinahihintulutang gumawa ng paputok at pyrotechnic devices.
Ang sinumang mahuhuling ilegal na gumagawa, nagbebenta, o nagdi-distribute ng paputok ay maaaring humarap sa sumusunod na parusa:
Pagkakakulong: Anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon.
Multa: ₱20,000 hanggang ₱30,000.
Kompiskasyon: Pagkumpiska ng lahat ng materyales at kagamitan na ginamit sa ilegal na aktibidad.









Comments