PNP GOOD DEEDS: Dalawang Pulis-Angat, Mabilis na Sumaklolo sa Naaksidenteng Tricycle Driver sa Brgy. Sta. Lucia
- Angat, Bulacan

- Jul 25
- 1 min read

Muling ipinamalas ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang tunay na malasakit at kahandaang maglingkod sa mamamayan matapos saklolohan ng dalawang tauhan nito ang isang tricycle driver na nahulog sa tabi ng ilog sa Barangay Sta. Lucia.
Kinilala ang mga bayaning pulis na sina PSSg Castro at Pat Reyes, na agad na nag-abot ng tulong upang iahon ang naaksidenteng sasakyan at ang drayber nito.
Ayon sa ulat ng Angat MPS, habang nagpapatrolya at gumaganap ng kanilang tungkulin ang dalawang pulis, napansin nila ang isang tricycle driver na aksidenteng naisadlak at nahulog sa pangpang ng ilog sa nasabing barangay.
Bumaba agad sa sasakyan sina PSSg Castro at Pat Reyes upang siyasatin ang kalagayan ng drayber at tulong-tulong na iniahon ang tricycle mula sa peligrosong kinalalagyan nito.
Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na programang PNP Good Deeds na naglalayong ipakita ang pusong naglilingkod at nagmamalasakit ng Philippine National Police (PNP) sa mga mamamayan sa gitna ng anumang sakuna o pangangailangan.
Taos-pusong nagpasalamat ang naaksidenteng drayber pati na rin ang mga nakakitang residente sa mabilis at bukal sa loob na pagtulong ng kapulisan, na naging patunay na ang Angat MPS ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi tunay na kaagapay ng komunidad.









Comments