PNP Angat, Todo-Alerto sa Pagbabantay sa mga Pasyalan at Simbahan
- Angat, Bulacan

- Mar 28
- 1 min read

Pormal nang inilunsad ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kampanyang “Ligtas Summer Vacation (SUMVAC) 2026” upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at biyahero ngayong panahon ng tag-init.
Ngayong ika-28 ng Marso, 2026, sa ganap na alas-8:30 ng umaga, pinangunahan ni PCPT MIRARI S. CRUZ, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng direktang pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, ang paglalagay ng mga information tarpaulins at pagtatayo ng mga Police Assistance Desks (PADs) sa mga istratehikong lugar sa bayan.
Kabilang sa mga binantayang lugar ang:
Sta. Monica Parish Church sa Brgy. San Roque.
Kahabaan ng Angat River (Brgy. San Roque, Sto. Cristo, at Brgy. Sta. Lucia).
Iba pang mga pangunahing kalsada at mataong lugar sa Angat.
Ang malawakang operasyong ito ay sumasaklaw sa mga mahahalagang okasyon ngayong summer gaya ng Philippine Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Semana Santa, Labor Day, at Flores de Mayo. Inaasahan ng kapulisan ang pagdagsa ng mga biyahero at turista sa mga probinsya, pasyalan, at mga lugar ng pananampalataya sa mga susunod na linggo.
Layunin ng PNP Angat na magbigay ng mabilis na saklolo at mapanatili ang kaayusan sa bawat kanto ng bayan upang maging payapa at hindi malilimutan ang bakasyon ng bawat pamilyang Angatenyo at mga bisitang dadayo sa bayan.









Comments