top of page
bg tab.png

PNP Angat, Tiniyak ang Maximum Tolerance sa Lahat ng Pagkakataon


Sa gitna ng iba't ibang kaganapan sa bansa, naglabas ng opisyal na pahayag ang Angat Municipal Police Station (MPS) upang bigyang-diin ang kanilang pangako sa pagprotekta sa mga batayang karapatan ng bawat mamamayan.


Tiniyak ng Kapulisan ng Angat na mananatili silang katuwang ng publiko sa pagsasagawa ng kanilang karapatan sa malayang pagpapahayag. Ayon sa himpilan, ang bawat Angateño ay may kalayaang maglabas ng saloobin, at tungkulin ng PNP na siguraduhing ligtas ang kapaligiran para sa lahat.


Kasabay nito, ipinaliwanag ng PNP Angat na patuloy nilang ipatutupad ang kaukulang security measures upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad. Binigyang-diin ng pamunuan na paiiralin ang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon, na nangangahulugang ang mga operatiba ay magsasagawa ng disiplina at pasensya habang tinitiyak na walang kaguluhan o paglabag sa batas na nagaganap.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page