top of page
bg tab.png

PNP Angat, Pinaigting ang Police Visibility sa mga Establishment

Nagsagawa ng Establishment Visitation ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ngayong araw, Disyembre 10, 2025, bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa seguridad ng publiko.


Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT JAYSON M VIOLA, ang Officer-in-Charge ng Angat MPS.


Ang mga tauhan ng pulisya ay nagpakita ng kanilang presensiya at visibility sa iba't ibang establisimyento sa loob ng munisipalidad ng Angat. Layunin nito na isulong ang secure environment sa pamamagitan ng pagpigil sa mga criminal activities, i-monitor ang mga public areas at tiyakin sa publiko ang tuloy-tuloy na presensiya ng law enforcement sa loob ng munisipalidad.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page