PNP Angat, Pinaigting ang Kaalaman Ukol sa RA 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act
- Angat, Bulacan

- Apr 28
- 1 min read

Upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at matiyak ang seguridad sa pagkain ng ating bayan, nagpalabas ng pampublikong impormasyon ang PNP Angat hinggil sa kahalagahan at mga probisyon ng Republic Act No. 12022, na kilala rin bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Ang batas na ito ay nilagdaan upang labanan ang mga ilegal na gawain tulad ng smuggling, hoarding, profiteering, at kartel na nagdudulot ng mataas na presyo ng mga produktong agrikultural at nagpapahirap sa mga mamamayan.
Ipinapaalala ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa publiko, lalo na sa mga negosyante at pamilihan sa bayan ng Angat, ang mga sumusunod na ipinagbabawal na gawain:
Agricultural Smuggling: Ang iligal na pagpasok ng mga produktong agrikultural sa bansa nang walang tamang dokumento at permiso.
Hoarding: Ang hindi makatarungang pagtatago ng mga pangunahing bilihin upang magkulang ang supply sa merkado at magtaas ng presyo.
Cartels at Profiteering: Ang sabwatan ng mga negosyante upang kontrolin ang presyo at suplay ng mga produkto na labis na nakakaapekto sa mga konsyumer.
Tiniyak ng PNP Angat na nakahanda silang makipagtulungan sa Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya ng pamahalaan upang imbestigahan at hulihin ang sinumang lalabag sa batas na ito.









Comments