top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nakiisa sa Observance ng 2026 Safer Internet Day


Nakikiisa ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa pagdiriwang ng 2026 Safer Internet Day Philippines ngayong buwan ng Pebrero. Sa ilalim ng temang “Ako, Ikaw, Tayo: Konektado at Protektado Laban sa OSAEC at CSAEM,” layunin ng kapulisan na paigtingin ang seguridad ng mga Angateño sa mundo ng internet.


Sa pangunguna ni PCpt. Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS, binigyang-diin ng himpilan ang pangangailangang wakasan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM). Ayon sa PNP Angat, ang pagiging "konektado" sa digital world ay dapat laging may kalakip na sapat na kaalaman upang maging "protektado" laban sa mga mapagsamantalang indibidwal at sindikato.


Bilang bahagi ng kampanyang ito, maglulunsad ang PNP Angat ng mga information drives at monitoring upang matiyak na ang bawat kabataang Angateño ay ligtas habang gumagamit ng social media at iba pang online platforms. Nanawagan ang kapulisan sa mga magulang na maging mapagmatyag sa online activities ng kanilang mga anak at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang himpilan.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page