top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nakiisa sa ika-30 National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation


Bilang bahagi ng kanilang panata na protektahan ang pinakamahihina sa lipunan, nakiisa ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa pagdiriwang ng 30th National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation ngayong ika-8 hanggang 14 ng Pebrero, 2026.


Sa ilalim ng temang “Ako, Ikaw, Tayo: Nagkakaisa Laban sa Child Sexual Abuse,” ang himpilan sa pamumuno ni PCpt. Jayson M. Viola, OIC, ay naglalayong imulat ang kaisipan ng publiko tungkol sa talamak na banta ng pang-aabuso sa mga bata, kapwa sa pisikal at digital na mundo.


Ayon sa PNP Angat, ang linggong ito ay nagsisilbing paalala na ang kaligtasan ng mga kabataang Angateño ay hindi lamang responsibilidad ng mga awtoridad kundi ng buong komunidad. Binigyang-diin ng himpilan ang kahalagahan ng mabilis na pag-uulat ng anumang kaso ng pang-aabuso upang agad na matulungan ang mga biktima at mapanagot ang mga nagkasala sa batas.



Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page