top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nakiisa sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)


Bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa mga sakuna, matagumpay na nakiisa ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong ika-12 ng Marso, 2026.


Dakong alas-3:30 ng hapon nang isagawa ang drill sa tapat ng himpilan ng Angat MPS sa Brgy. San Roque. Ang aktibidad ay pinamunuan ni PCPT Lydio Venigas (Duty Officer of the Day), sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police.


Sa hudyat ng sirena, agad na isinagawa ng mga tauhan ng kapulisan ang “Duck, Cover, and Hold” bilang pagsunod sa wastong safety protocol tuwing may lindol. Layunin ng gawaing ito na matiyak na ang bawat miyembro ng PNP Angat ay may sapat na kaalaman at kasanayan sa mabilis at ligtas na paglikas sakaling tumama ang isang malakas na lindol sa rehiyon.



Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang regular na pakikilahok sa NSED ay mahalaga upang mapanatili ang disaster resilience ng himpilan. Binigyang-diin din na bilang mga first responders, tungkulin ng mga pulis na maging handa upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at makapagbigay ng maayos na serbisyo sa gitna ng anumang kalamidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page