top of page
bg tab.png

PNP Angat, Naka-alerto Laban sa Anumang Banta ng Terorismo


Sa patuloy na layunin na mapanatili ang kaayusan at protektahan ang bawat Angateño, muling pinagtibay ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang adbokasiya para sa “Stop Terrorism” campaign sa buong bayan.


Sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, binibigyang-diin ng himpilan na ang pagpuksa sa terorismo at violent extremism ay nangangailangan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mga mamamayan.


Ang kampanyang ito ay hindi lamang nakatuon sa pagbabantay, kundi sa pagtuturo rin sa publiko kung paano magiging bahagi ng solusyon. Ayon sa PNP Angat, ang bawat impormasyong ibinibigay ng komunidad ay mahalaga upang mapigilan ang anumang masamang balak ng mga grupong nagnanais manira ng katahimikan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page