PNP Angat, Nagsagawa ng Motorcycle Patrolling sa Matias Fernando Avenue
- Angat, Bulacan
- 2 days ago
- 1 min read
Bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad, nagsagawa ng Motorcycle Patrolling ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) noong Disyembre 7, 2025, bandang 10:00 ng umaga.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT JAYSON M VIOLA, ang Officer-in-Charge ng Angat MPS.
Sakop ng patrolya ang kahabaan ng Matias Fernando Avenue patungo sa Angat Public Market sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.





