Angat LGU, Nagbigay Pagbati sa Kapistahan ng Immaculate Conception
- Angat, Bulacan

- Dec 8, 2025
- 1 min read

Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng residente nito kaugnay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Immaculate Conception ngayong Disyembre 8, 2025.
Ang Immaculate Conception, o ang Kalinis-linisang Paglilihi, ay pagdiriwang ng dalisay na biyayang iginawad sa Mahal na Birheng Maria, na hinirang upang maging Ina ng Panginoong Hesukristo.
Sa kanilang mensahe, hiniling ng Pamahalaang Bayan na ang halimbawa ng Mahal na Birhen ay magsilbing gabay at liwanag sa komunidad na nawa’y ang kanyang mga katangian ng pananampalataya, kabutihang-loob at kababaang-loob ay magsilbing inspirasyon upang mapatatag ang isang bayan na may pagkakaisa, malasakit, at tunay na paglilingkod.









Comments