top of page
bg tab.png

Oplan Bathala, Isinagawa ng PNP Angat sa Sta. Monica Parish Church

Bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga nagsisimba, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang Oplan Bathala sa Sta. Monica Parish Church sa Barangay Sta. Cruz (Poblacion).


Ang operasyon ay ginanap ngayong araw, Disyembre 7, 2025, bandang 6:00 ng umaga, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT JAYSON M VIOLA, ang Officer-in-Charge ng Angat MPS.


Ang layunin ng Oplan Bathala ay tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga churchgoer o nagsisimba sa panahon ng kanilang gawaing pangrelihiyon.

Kabilang sa mga intensiyon ng patrolya ang palakasin ang police presence sa loob ng komunidad, patatagin ang koordinasyon sa pagitan ng PNP at ng mga lokal na stakeholders (tulad ng simbahan). Pigilan ang mga kriminal at panatilihin ang peace and order. Magbigay ng agarang tulong kung may anumang insidente.


Ang Oplan Bathala ay bahagi ng patuloy na programa ng PNP na panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa mga lugar ng pagtitipon, lalo na sa mga religious center.



Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page