top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nagsagawa ng Dialogue sa Muslim Community at Vendors sa Palengke


ree

Bilang pagpapatibay sa ugnayan ng pulisya at komunidad, nagsagawa ng Dialogue ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Muslim community (vendors) sa Angat Public Market sa Barangay Sto. Cristo.


Ang pagpupulong ay ginanap ngayong araw, Disyembre 7, 2025, bandang 9:50 ng umaga, sa ilalim ng pamamahala ni PCPT JAYSON M. VIOLA, ang Officer-in-Charge ng Angat MPS.


Ang aktibidad ay mahalaga upang palakasin ang police–community relations. Isulong ang peace and order sa loob ng pamilihan at tugunan ang mga isyu at alalahanin ng mga Muslim vendors hinggil sa kaligtasan, seguridad, at kanilang kabuhayan.


Nagsilbi rin ang dialogue bilang isang plataporma upang paalalahanan ang mga vendors sa kahalagahan ng kooperasyon sa law enforcement, pagsunod sa mga local ordinances, at aktibong pakikilahok sa pagpapanatili ng tahimik at maayos na komunidad.


Nagpahayag ng pasasalamat ang mga Muslim vendors sa inisyatiba ng pulisya. Tiniyak din nila ang kanilang pangako na suportahan ang PNP upang masiguro ang isang ligtas na kapaligiran para sa lahat ng mga namimili at residente sa palengke.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page