PNP Angat, Nagsagawa ng ‘Mobile Patrolling’ sa Villarama Highway
- Angat, Bulacan

- Mar 13
- 1 min read

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at maiwasan ang anumang insidente ng krimen sa mga pangunahing kalsada, muling nagsagawa ng masidhing Mobile Patrolling ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Villarama Highway nitong ika-13 ng Marso, 2026.
Sa ilalim ng direktiba ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police, ang mga operatiba ng Angat MPS ay nag-ikot gamit ang mga patrol vehicles upang maipakita ang aktibong presensya ng kapulisan sa nasabing highway. Ang Villarama Highway ay isa sa mga pinaka-abalang kalsada sa bayan na nag-uugnay sa iba’t ibang barangay at karatig-bayan, kaya naman prioridad ang seguridad dito lalo na sa mga oras ng dagsa ng sasakyan.









Comments