top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nagsagawa ng Inspeksyon sa mga Gasolinahan

Updated: Mar 30


Upang matiyak ang katatagan ng suplay ng petrolyo sa gitna ng idineklarang National Energy Emergency, nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang Angat Municipal Police Station sa mga gasolinahan sa buong bayan.


Layunin ng nasabing hakbang na masigurong sapat ang suplay ng gasolina at diesel para sa mga residente at maiwasan ang anumang uri ng hoarding o ilegal na pagtatago ng produkto. Sa ilalim ng direktiba ng pambansang pamahalaan at lokal na ehekutibo, sinuri ng mga awtoridad ang imbentaryo ng mga establisyimento upang matiyak na walang nagaganap na pananamantala sa gitna ng mataas na pangangailangan ng publiko.


Ayon sa Kapulisan ng Angat, ang monitoring na ito ay bahagi ng kanilang tungkulin na mapanatili ang kaayusan at kapanatagan ng komunidad. Sa isinagawang operasyon, naging maayos ang koordinasyon sa mga may-ari at operator ng mga gasolinahan, kung saan pinaalalahanan silang sumunod sa mga umiiral na regulasyon at alituntunin ng pamahalaan.


Nagbabala ang PNP Angat na hindi sila magdadalawang-isip na magsagawa ng kaukulang aksyong legal laban sa sinumang mapapatunayang lumalabag sa batas at nagsasagawa ng hoarding. Patuloy na nakaantabay ang kapulisan upang masigurong ang bawat Angateño ay may patas na akses sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng petrolyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page