PNP Angat, Nagsagawa ng ‘Daily Accounting’ at ‘PICE’
- Angat, Bulacan

- Mar 14
- 1 min read

Upang matiyak ang mataas na antas ng disiplina at kahandaan ng bawat kawani, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang regular na Daily Accounting of Personnel at Police Information and Continuing Education (PICE) ngayong ika-14 ng Marso, 2026.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police, at pinangunahan ni PCPT Mirari S. Cruz, Duty Officer of the Day. Layunin ng gawaing ito na matukoy ang eksaktong bilang at katayuan (status) ng mga tauhan na handang rumesponde at gumanap sa kanilang tungkulin.
Sa pamamagitan ng accounting, sinisiguro ng pamunuan ang wastong monitoring sa attendance ng mga pulis para sa mas maayos na operasyon at administratibong tungkulin ng himpilan. Bahagi rin ito ng pagpapatunay na sapat ang puwersa ng PNP Angat upang suportahan ang mga kasalukuyang programa at aktibidad para sa katahimikan ng bayan.
Kasabay nito, ang PICE ay nagsisilbing pagkakataon upang paalalahanan ang mga kawani tungkol sa kanilang mga sinumpaang tungkulin, tamang asal, at mga bagong direktiba mula sa pambansang himpilan. Sa ganitong paraan, nananatiling alerto at propesyonal ang bawat miyembro ng Angat MPS sa paglilingkod sa mga mamamayan.









Comments