PNP Angat, Naglunsad ng Pinaigting na Anti-Drug Campaign para sa Kabataan
- Angat, Bulacan

- Feb 11
- 1 min read

Sa gitna ng dumaraming hamon sa lipunan, muling nanawagan ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) sa publiko, lalo na sa mga kabataan, na iwasan ang paggamit ng iligal na droga sa pamamagitan ng kanilang bagong kampanya, ang "Don’t Drug Yourself Down."
Layunin ng kampanyang ito na imulat ang kaisipan ng bawat indibidwal tungkol sa mapanirang epekto ng droga sa pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan. Ayon sa PNP Angat, bagama’t ginagamit ng iba ang droga bilang "escape" o takas sa mga problema at sakit na nararamdaman, ang katotohanan ay nagsisilbi lamang itong mitsa upang tuluyang masira ang kanilang buhay at mga pangarap.
"Huwag hayaang hilahin ng droga pababa ang iyong kinabukasan," anang himpilan. Binigyang-diin din ng kapulisan ang kahalagahan ng suporta mula sa komunidad. Nanawagan sila sa mga residente na agad i-report ang anumang aktibidad na may kaugnayan sa iligal na droga sa kanilang lugar upang mapanatiling ligtas at malinis ang bawat barangay sa Angat.








Comments