PNP Angat, Naglunsad ng ‘Daily Human Rights Reminders’ sa RA 9262
- Angat, Bulacan

- Mar 20
- 1 min read

Sa layuning wakasan ang karahasan at itaguyod ang hustisya sa bawat tahanan, muling binigyang-diin ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang mga probisyon ng Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, inilunsad ng himpilan ang Daily Human Rights Reminders. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adbokasiya ng pambansang pulisya na itaas ang antas ng kamalayan ng mga Angatenyo tungkol sa mga uri ng pang-aabuso na ipinagbabawal ng batas.
Pangunahing layunin ng kampanyang ito ang mga sumusunod:
Identification of Abuse: Pagpapaliwanag na ang karahasan ay hindi lamang pisikal, kundi maaari ring sexual, psychological, at economic abuse.
Empowerment: Paghikayat sa mga biktima na huwag matakot magsumbong at lumapit sa mga awtoridad.
Barangay Protection Orders (BPO): Pagtalakay sa mga legal na hakbang na maaaring gawin upang agad na maprotektahan ang biktima mula sa nang-aabuso.
Ayon kay PMAJ Alba, ang bawat tao ay may karapatang mabuhay nang payapa at walang takot sa loob ng sariling tahanan. "Ang pananahimik ay hindi solusyon. Narito ang inyong kapulisan, lalo na ang aming Women and Children Protection Desk (WCPD), upang umalalay at magbigay-proteksyon sa inyo," pahayag ng pamunuan ng Angat MPS.









Comments