top of page
bg tab.png

PNP Angat, Naglabas ng ‘Safety Tips’ para sa Semana Santa 2026


Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa 2026, naglabas ng mga mahahalagang Safety Reminders ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng Bulacan Police Provincial Office (PPO). Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng mga residente at mga bibisita sa bayan ng Angat sa panahon ng bakasyon.


Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, mahalaga ang pakikipagtulungan ng publiko upang maiwasan ang mga krimen at aksidente. Kabilang sa mga pangunahing paalala ng kapulisan ay ang pagsisigurong ligtas ang mga tahanan bago ito iwan, lalo na para sa mga pamilyang magbabakasyon o uuwi sa kani-kanilang probinsya.


Inabisuhan din ang mga motorista na magsagawa ng "BLOWBAGETS" (Battery, Light, Oil, Water, Brake, Air, Gas, Engine, Tire, Self) bago bumiyahe upang maiwasan ang anumang aberya sa kalsada. Maglalatag din ng mga Police Assistance Desks sa mga istratehikong lugar tulad ng mga simbahan, terminal, at mga pasyalan upang mabilis na makatugon sa anumang pangangailangan ng publiko.


Binigyang-diin ng PNP Angat na ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o indibidwal sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page