PNP Angat, Naglabas ng ‘Iwas Akyat-Bahay’ Tips; Seguridad ng mga Tahanan, Pinaigting Ngayong Tag-init
- Angat, Bulacan

- Mar 5
- 1 min read

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga ari-arian at katahimikan ng bawat pamilyang Angateño, inilunsad ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang “Iwas Akyat-Bahay Safety Campaign.”
Sa ilalim ng pamumuno ni PCpt. Jayson M. Viola, Officer-in-Charge (OIC), naglabas ng mga paalala ang kapulisan para sa mga residente, lalo na sa mga nagpaplanong magbakasyon o iwanan ang kanilang mga tahanan ngayong panahon ng tag-init. Ayon sa PNP, ang pagiging mapagmatyag at ang paglalagay ng mga simpleng security measures ay malaking tulong upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga masasamang elemento.
Binigyang-diin ni PCpt. Viola na ang seguridad ay nagsisimula sa sariling bakuran. Bukod sa pisikal na pag-iingat, hinihimok din ng Angat MPS ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang mga kapitbahay at sa lokal na barangay para sa community monitoring.









Comments