PNP Angat, Naglabas ng ‘Anti-Theft Prevention Tips’ para sa Publiko

Bilang bahagi ng kampanyang Ligtas SUMVAC 2026, naglabas ng mahalagang gabay ang Angat Municipal Police Station (MPS) patungkol sa mga hakbang upang makaiwas sa pagnanakaw o theft.
Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, binigyang-diin ng kapulisan na ang mga "oportunista" o masasamang loob ay madalas umatake kapag napapansing walang tao sa bahay o kampante ang mga biktima. Layunin ng mga tips na ito na bigyan ng sapat na proteksyon ang bawat pamilyang Angatenyo.










Comments