PNP Angat, Nagbahagi ng ‘Crime Prevention Tips’ para sa Ligtas na Pamayanan
- Angat, Bulacan

- Mar 27
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang payapang bayan, naglabas ng mahalagang gabay ang Angat Municipal Police Station (MPS) patungkol sa mga hakbang upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng krimen.
Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, binigyang-diin ng kapulisan na ang pagiging mapagmatyag ng bawat mamamayan ay ang pinakamabisang sandata laban sa mga masasamang loob. Layunin ng inisyatibong ito na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga Angatenyo kung paano poprotektahan ang kanilang mga sarili, mahal sa buhay, at ari-arian.
"Ang seguridad ay nagsisimula sa ating mga sariling tahanan. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng tips na ito, malaki ang mababawas sa pagkakataon ng mga kriminal na makagawa ng masama," ayon sa pamunuan ng Angat MPS.
Bukod sa mga paalala, patuloy din ang pagpapatrolya ng mga elemento ng pulisya sa mga barangay at paglalagay ng mga Police Assistance Desks (PADs) sa mga mataong lugar upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa anumang sumbong o emergency.









Comments