PNP Angat, Nagbabala Laban sa Romance Scams at Online Dating Modus
- Angat, Bulacan

- Feb 8
- 1 min read

Sa pagdiriwang ng buwan ng pag-ibig, naglabas ng mahalagang paalala ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) upang protektahan ang mga mamamayan mula sa mga kriminal na nananamantala sa damdamin ng iba sa pamamagitan ng internet.
Sa ilalim ng kampanyang “Ingatan ang Puso ngayong Feb-Ibig,” binigyang-diin ng kapulisan ang pag-usbong ng mga Romance Scams at mapanlinlang na Online Dating schemes. Ayon sa PNP Angat, madalas gumamit ang mga scammers ng mga pekeng profile at matatamis na salita upang makuha ang tiwala ng biktima bago humingi ng pera o sensitibong impormasyon.
Pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa mga nakakausap sa social media, lalo na kung ang mga ito ay agad na humihingi ng tulong pinansyal. Layunin ng anunsyong ito na matiyak na ang selebrasyon ng pag-ibig sa bayan ng Angat ay mananatiling ligtas, payapa, at malayo sa anumang uri ng panloloko.








Comments