top of page
bg tab.png

PNP Angat, Nagbabala Laban sa Laganap na Love Scams


Sa gitna ng pagdiriwang ng buwan ng pag-ibig, nagpalabas ng seryosong babala ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) laban sa mga sindikatong gumagamit ng emosyon upang makapanloko ng kapwa o ang tinatawag na "Romance Scam."


Ayon sa himpilan, hindi lahat ng nakikilala online at nagpapakita ng tamis ng salita ay tapat ang intensyon. Binigyang-diin ng PNP Angat na ang isang simpleng mensahe ay maaaring simula ng isang planadong panloloko. "Kapag may hininging pera, magduda na," anang kapulisan, bilang paalala na ang tunay na pag-ibig ay hindi nakabase sa hiling na padala o financial assistance.


Nanawagan ang PNP Angat sa mga mamamayan na maging mapanuri at kilalanin munang mabuti ang kinakausap bago magtiwala o magbigay ng anumang sensitibong impormasyon. Layunin ng kampanyang ito na protektahan hindi lamang ang puso kundi pati na rin ang pinaghirapang pera at kinabukasan ng mga Angateño laban sa mga cyber-criminals.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page