PNP Angat, Kinilalang ‘Outstanding Municipal Police Station’ sa Buong Rehiyon
- Angat, Bulacan

- Feb 9
- 1 min read

Muling nagpamalas ng kahusayan ang Angat Municipal Police Station (MPS) matapos itong tanghalin bilang Outstanding Municipal Police Station sa Regional Level para sa buwan ng Enero 2026.
Sa ilalim ng dinamikong pamumuno ni PCpt. Jayson M. Viola, OIC, nakamit ng himpilan ang mataas na rating na 89.72% sa isinagawang Monthly Unit Performance Evaluation Rating (UPER) Assessment. Ang pagkilalang ito ay patunay ng mataas na antas ng disiplina, dedikasyon, at kakayahang operasyunal ng bawat personnel ng Angat MPS.

Malaki rin ang pasasalamat ng himpilan sa patuloy na gabay at suporta ni PCol. Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan PPO. Ayon sa pamunuan, ang tagumpay na ito ay hindi lamang karangalan para sa kapulisan kundi para sa buong bayan ng Angat.
Sa gitna ng tagumpay na ito, nananatiling tapat ang Angat MPS sa kanilang misyon na itaguyod ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng publiko nang may integridad at propesyonalismo.








Comments