top of page
bg tab.png

PNP Angat, Ipinaalala ang Paggamit ng ‘911’ at Emergency Hotlines


Upang masiguro ang mabilis na pagtugon sa anumang sakuna, muling nagpapaalala ang Angat Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, sa kahalagahan ng pag-uulat ng mga emergency sa pamamagitan ng pambansang hotline na 911.


Kasabay ng paglulunsad ng kampanyang Ligtas SUMVAC 2026, pinaigting ng lokal na kapulisan ang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) at mga Medical Response Teams upang matiyak na ang bawat saklolo ay makakarating sa tamang oras. Ang paggamit ng 911 ay isang mabilis na paraan upang makakonekta sa mga awtoridad, ito man ay usaping seguridad, sunog, o medikal na pangangailangan.


Ayon kay PMAJ Alba, ang bawat segundo ay mahalaga sa panahon ng aksidente. Kaya naman, hinihikayat ang bawat Angatenyo at mga bisitang dadayo sa bayan na huwag mag-atubiling tumawag kung may mapapansing krimen, sunog, o kung nangangailangan ng ambulansya.


Bukod sa 911, naka-deploy din ang mga Police Assistance Desks (PADs) sa mga istratehikong lugar sa bayan gaya ng Sta. Monica Parish Church at mga sikat na paliguan sa Angat River upang magbigay ng agarang tulong sa mga mamamayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page