PNP Angat, Inanyayahan ang mga ‘Running Enthusiasts’ para sa ‘Run for 3 P’s’ ni RD PBGEN Peñones
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Bilang pagsuporta sa programa ni Regional Director PBGEN Rogelio Ponce Peñones, inilunsad ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang paanyaya para sa "Run for 3 P’s" na gaganapin sa darating na Enero 25, 2026.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng adbokasiya ng Regional Director na nakatuon sa pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at ng komunidad sa pamamagitan ng fitness at wellness. Hinihikayat ang lahat ng mga mananakbo, atleta, at maging ang mga ordinaryong mamamayan na makiisa sa gawaing ito upang ipakita ang suporta sa mga programa ng Philippine National Police (PNP) sa Central Luzon.
Para sa mga nagnanais sumali, maaaring mag-register online sa opisyal na link ng Raceya. https://register.raceya.fit/event/runfor3ps
Maaari ring pumunta nang personal sa Angat Police Station sa Brgy. San Roque para sa tulong sa pagpaparehistro o tumawag sa hotline number na 0998-598-5373. Layunin ng aktibidad na ito na isulong ang disiplina, kalusugan, at pagkakaisa sa buong rehiyon.








Comments