Pluma sa Era ng Social Media: Hamon ni Mayor Jowar Bautista sa Kaarawan ni Gat. Jose Rizal
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Sa paggunita ng anibersaryo ng kapanganakan ng Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal, nag-iwan ng isang malalim at makabuluhang mensahe si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista upang paalalahanan ang mga mamamayan sa kahalagahan ng mga aral nito sa modernong panahon.
Ayon kay Mayor Jowar, kung nabubuhay si Rizal sa kasalukuyan, maaaring hindi na pluma at papel ang gamit nito, ngunit tiyak na gagamitin pa rin niya ang kanyang boses, talino, at impluwensya sa gitna ng social media upang ipaglaban ang katotohanan at kapakanan ng bayan.
Binigyang-diin ng alkalde na sa panahon ngayon na mabilis ang daloy ng impormasyon, hamon sa bawat isa ang maging mapanuri, responsable, at may malasakit sa kapwa. Aniya, ang tunay na pagiging makabayan ay hindi lamang nasusukat sa mga salita, kundi sa mga konkretong gawa na nag-aambag sa ikauunlad ng lipunan.









Comments