PLEASES-Bulacan Chapter, Nagdaos ng Buwanang Pagpupulong sa Bayan ng Angat

Ginanap sa Municipal Conference Hall ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buwanang pagpupulong ng Philippine League of Secretaries of the Sangguniang Bayan, Inc. (PLEASES) – Bulacan Chapter, na dinaluhan ng mga Kalihim ng Sangguniang Bayan mula sa iba't ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Bulacan.
Pinangunahan ni Angat SB Secretary Thelma Sincioco ang naturang pagtitipon, kung saan tinalakay ng mga kasapi ang mga mahahalagang usapin at responsibilidad na may kaugnayan sa kanilang mga tungkulin sa lokal na lehislaasyon at pamamahala.

Naging venue rin ang pagpupulong para sa pagpapalitan ng mga praktikal na pamamaraan, kaalaman, at karanasan sa pagsasagawa ng mga tungkuling administratibo at pambatas sa kani-kanilang mga sanggunian.
Sa pamamagitan ng regular na koordinasyong ito, naglalayon ang PLEASES-Bulacan Chapter na mas mapag-ibayo pa ang kalidad ng serbisyo at administratibong suporta sa mga lokal na pamahalaan sa buong lalawigan.











Comments