Plano para sa Kaunlaran ng Angat (2025–2027), Inilatag sa 1st Quarter MDC Meeting
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Upang matiyak ang direksyon ng pag-unlad at tamang paglalaan ng pondo ng bayan, matagumpay na idinaos ang 1st Quarter Municipal Development Council (MDC) Meeting sa pangunguna ni Engr. Arnel Trinidad.
Ang mahalagang pagtitipon ay dinaluhan ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama si Kon. William Vergel De Dios. Nakiisa rin ang mga Punong Barangay sa buong bayan sa pangunguna ni ABC President Alex Tigas, gayundin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang Annual Investment Program (AIP), ang budget para sa mga susunod na operasyon, at ang mga development projects na nakapila para sa taong 2025 hanggang 2027. Layunin ng nasabing plano na masiguro na ang bawat sentimo ng kaban ng bayan ay mapupunta sa mga programang may direktang epekto sa buhay ng mga Angateño.
Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng inklusibong serbisyo, kung saan ang boses ng bawat sektor ay pinakikinggan upang ang mga proyekto ay tumugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ng MDC, mas pinatitibay ng Bayan ng Angat ang pundasyon para sa isang mas maayos, masigla, at progresibong kinabukasan para sa lahat.









Comments