top of page
bg tab.png

Photography Contest, Inilunsad ng Angat Tourism para sa National Arts Month 2026


Bilang pagdiriwang ng National Arts Month 2026, pormal na binuksan ng Municipal Tourism Office ng Angat ang isang natatanging patimpalak sa pagkuha ng larawan na may temang “Tahimik na Giting: Mga Kuwento ng Araw-araw.”


Layunin ng kompetisyon na mabigyang-pugay ang mga hindi isinadulang tagpo ng katotohanan, tapang, at pagsisikap ng mga Angatenyo sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Bukas ang paligsahan sa lahat ng residente ng Angat—maging sila ay amateur, hobbyist, o propesyonal na potograpo.




Ayon sa panuntunan, ang bawat kalahok ay maaaring magpasa ng isang (1) original at unstaged na larawan na kinuha sa loob mismo ng bayan ng Angat. Nakataya ang malalaking papremyo para sa mga magwawagi:

  • 1st Place: ₱7,000 + Certificate

  • 2nd Place: ₱5,000 + Certificate

  • 3rd Place: ₱3,000 + Certificate

  • Consolation (9 winners): ₱1,000 + Certificate



Ang mga mapipiling Top 12 entries ay bibigyan ng pagkakataong maitampok sa isang eksibit sa lobby ng New Municipal Hall at permanenteng ipapakita sa gallery hallway malapit sa auditorium. Itinakda ang huling araw ng pagpapasa sa Pebrero 15, 2026.

Sa pamamagitan ng lente ng mga lokal na artist, hangad ng Tourism Office na maipakita ang ganda at lalim ng mga kuwentong madalas ay hindi napapansin ngunit puno ng dangal at giting.

Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page