PHILSYS STEP 2 REGISTRATION SA BAYAN NG ANGAT
- Angat, Bulacan

- Jul 17
- 1 min read

Ang PhilSys Step 2 Registration ay kasalukuyang isinasagawa sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat ngayong araw, Huwebes, July 17, 2025, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM. Bukas ito para sa pagpaparehistro at sa inyong mga katanungan tungkol sa National ID. Hinihikayat namin ang lahat na magparehistro upang makakuha ng kanilang PhilSys National ID.
Narito ang mga kinakailangang dokumento para sa iba’t ibang edad:
Para sa 0-4 taong gulang:
Orihinal na birth certificate ng inyong anak
ePhil ID o Phil ID card ng magulang o awtorisadong taong sasama sa bata para sa pag-link ng PSN (PhilSys Number)
Para sa 5-17 taong gulang:
Orihinal na birth certificate (Local/NSO/PSA)
School ID
Para sa mga legal na edad:Valid IDs o dokumento tulad ng:
Barangay ID
Driver’s License
UMID
Passport
PhilHealth ID
Birth certificate kasama ang isa pang ID tulad ng 4Ps ID, TIN, lumang SSS, o School ID (lumang o kasalukuyan) — para sa mga hindi pa kasal
Marriage certificate kasama ang isa pang ID tulad ng 4Ps ID, TIN, lumang SSS, Senior Citizen ID — para sa mga kasal na
Voter’s Certificate
Maraming salamat po!Tara na’t magparehistro na para sa ating National ID!









Comments