PhilSys Registration Para sa Mga Aplikanteng Binigyan ng Stub Noong Setyembre 25, Nakatakda sa Oktubre 16
- angat bulacan
- Oct 15
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Para sa mga aplikanteng nagtungo sa nakaraang Setyembre 25, 2025 para sa National ID Registration ngunit hindi naabutan o hindi nakapagpatuloy ng aplikasyon, muling itinakda ang kanilang schedule sa Oktubre 16, 2025 (Huwebes).
Ayon sa PhilSys, ang mga nabigyan ng stub o schedule slip ay inaasahang bumalik sa itinakdang araw sa Evacuation Center, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM, para sa pagpapatuloy ng kanilang Step 2 Registration.
Ito ay bahagi ng pagpapatuloy ng serbisyo ng Philippine Identification System para matugunan ang mga hindi na-accommodate sa dating schedule. Pinapayuhan ang lahat ng may hawak ng stub na dalhin ito bilang patunay ng kanilang unang pagpunta.









Comments