PhilHealth Member ID Distribution and Orientation
- Angat, Bulacan
- Jun 13
- 1 min read

Kalusugan para sa lahat! Upang mapalawak ang access sa serbisyong pangkalusugan, isinagawa ang PhilHealth Member ID Distribution at Orientation para sa mga rehistradong benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Angat.
Dito ay natanggap na ang kani-kanilang PhilHealth ID cards. Gayundin naituro ang mga benepisyo, proseso ng claims, at kung paano gamitin ang ID sa panahon ng pangangailangan.
Bahagi po ito ng ating adbokasiyang Kalusugan para sa lahat. Naniniwala po tayong ang serbisying medikal ay karapatan at tungkulin nating tiyaking abot-kamay ito ng bawat Angatenyo.
תגובות