PH, Pasok sa Top 3 Safest Countries sa Southeast Asia ayon sa Global Report
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Ibinahagi ng PNP Angat na umakyat ang reputasyon ng Pilipinas pagdating sa seguridad matapos itong hirangin bilang ika-tatlong pinakaligtas na bansa sa Timog-Silangang Asya, ayon sa pinakabagong 2023 Global Law and Order Report ng Gallup.
Sa naturang ulat, nakakuha ang bansa ng index score na 86, na nagpapakita ng mataas na antas ng kumpiyansa ng mga mamamayan sa lokal na kapulisan at sa pangkalahatang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan.
Ang index score na ito ay base sa persepsyon ng mga mamamayan pagdating sa kanilang personal na kaligtasan at mga karanasan sa krimen at pagpapatupad ng batas. Ang pagkilalang ito ay itinuturing na malaking tagumpay para sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at sa mga lokal na yunit ng kapulisan, kabilang ang Angat PNP, na patuloy na nagtatrabaho upang mapanatili ang kapayapaan sa bawat komunidad.
Ayon sa mga eksperto, ang mataas na ranking na ito ay positibong indikasyon hindi lamang para sa mga lokal na residente kundi pati na rin sa mga turista at mga mamumuhunan na nagnanais bumisita o magnegosyo sa bansa.









Comments