PESO at BPLO Nagsagawa ng Company Visit sa Mga Negosyo sa Angat
- angat bulacan
- Oct 8
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Magkatuwang na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) at Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Angat ang company visit sa ilang mga negosyo sa bayan bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa pagpapalakas ng lokal na empleyo.
Layunin ng aktibidad na muling paalalahanan ang mga kumpanya ukol sa mga mahahalagang usapin sa employment policies, at mas mapalalim pa ang partnership ng LGU at pribadong sektor. Bahagi rin ng layunin ang pagbibigay ng mas maraming job opportunities para sa mga Angateño.
Ayon sa PESO at BPLO, mahalaga ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga business owners upang masiguro ang pagtutulungan sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya at kabuhayan.









Comments